PATAY ang tatlumpu’t isang sibilyan at labimpitong security service personnel sa sunod-sunod na pamamaril at pambobomba sa Balochistan Province sa Pakistan.
Ayon kay Sarfraz Bugti, chief minister ng rehiyon, rumesponde ang security forces sa karahasan na ikinasawi ng 145 attackers.
ALSO READ:
Una nang inihayag ng Balochistan Liberation Army (BLA) rebel group na sila ang nasa likod ng mga pag-atake na pumaslang sa halos dalawampung sundalo.
Ang naturang bakbakan ay isa sa deadliest days of violence sa naghihirap na probinsya, kung saan ilang dekada nang nireresolba ng pamahalaan ang ethnic insurgency.
Inihayag ng militar na tinarget ng mga pag-atake ang mga sibilyan sa paligid ng Quetta na kabisera ng lalawigan at iba pang mga lokasyon.




