PASOK na sa quarterfinals ng Miami Open si Novak Djokovic ng Serbia matapos ilampaso si Lorenzo Musetti ng Italy sa score na 6-2,6-2, sa loob ng isang oras at dalawampu’t dalawang minuto.
Si Djokovic ay anim na beses nang nanalo sa Miami Open subalit hindi pa ulit nakapasok sa quarterfinals mula nang huli nitong masungkit ang kampeonato noong 2016.
ALSO READ:
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Pilipinas, nakasungkit ng 4 na gold medals sa SEA Games Practical Shooting
Ang trenta’y syete anyos na Serbian Tennis Star ay tatlong panalo na lamang ang kailangan para makamit ang kanyang 100th Tour-Level title.
Bukas ay makakasagupa ni Djokovic si Sebastian Korda ng Amerika para sa semifinals ng Miami Open.
