UMABOT sa mahigit 4.1 million indigent senior citizens ang nakatanggap ng Social Pension para sa taong 2025 ayon sa department of social welfare and development.
Ang Social Pension Program para sa mga mahihirap na senior citizens ay tulong ng mga nakatatanda para sa kanilang pagpapagamot at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan.
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
PNP-CIDG, may panawagan sa puganteng si Charlie “Atong” Ang
Sa ilalim ng RA 11916 ang mga kwalipikadong indigent senior citizens ay makatatanggap ng buwanang 1,000 pesos na tulong na ipinamamahagi quarterly.
Sinabi ni DSWD Spokesperson, Asst. Sec. Irene Dumlao, mula sa inisyal na target na 4 million beneficiaries para sa taong 2025 ay umabot pa sa higit 4.1 million beneficiaries ang napagkalooban ng tulong.
Para sa taong 2026, ang Social Pension Program ng DSWD ay pinaglaanan ng 51.8 billion na pondo para mas mapalawak ang programa at madagdagan ang makikinabang na nakatatanda.
