PATAY ang isang senior citizen habang isang Person with Disability (PWD) na babae ang nawawala makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Intramuros, Maynila.
Ayon kay Barangay 665 Chairman Johnny Jacob, naisugod pa sa ospital ang senior citizen para malapatan ng lunas, subalit kalaunan ay binawian din ng buhay.
ALSO READ:
Pinaghahanap pa rin ang babaeng PWD, dahil marami pang naiwang debris.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga apektadong residente sa San Agustin Church at sa Delpan Sports Complex.




