ARESTADO ang isang senior citizen sa Naic, Cavite, matapos magpanggap na abogado at nag-aalok ng notary services.
Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation sa Cavite ang animnapu’t anim na taong gulang na suspek, sa mismong opisina nito.
Dumating din sa tanggapan ng suspek ang totoong abogado na ginamit niya ang pangalan at ginamit din niya ang notarial commission nito.
Nakumpiska ng NBI ang dry seals at stamps na may pangalan ng tatlong magkakaibang abogado, at lahat ng ito ay ipinakilala ng suspek bilang kanyang affiliates.