MATAPOS ang ilang taong panunungkulan sa senado, kabilang na ang pagiging senate president, tatangkain naman ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, na maka-pwesto sa kamara, bilang kinatawan ng unang distrito sa marikina.
Kumakandidato si Pimentel, dating chairman ng pdp-Laban, sa ilalim ng Nacionalista Party, matapos kilalanin ng Comelec bilang lehitimo ang paksyon na pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Energy Secretary Alfonso Cusi.
Sinabi ni Pimentel na plano niyang mag-focus sa legislative agenda on free trade, ang problema sa baha, at malaking utang ng marikina na aniya ay isa sa pinakamalaki sa Metro Manila.
Makakalaban ni Pimental ang kanyang dating kaalyado na si Marikina Mayor Marcelino Teodoro na naghain na ng COC sa kaparehong posisyon noong Sabado.