3 August 2025
Calbayog City
National

Senado at Kamara, pormal nang binuksan ang 1st Regular Session ng 20th Congress

PORMAL nang binuksan ng Senado at Kamara ang First Regular Session ng 20th Congress.

Isinagawa ang pagbubukas ng sesyon, bago ang ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kahapon.

Present lahat ang dalawampu’t apat na senador, kabilang ang first-time members na sina Rodante Marcoleta, Erwin Tulfo, at Camille Villar, maging ang mga nagbabalik na sina Bam Aquino, Ping Lacson, Kiko Pangilinan, at Tito Sotto.

Sa botong 19-5, mananatili bilang senate president si Senador Chiz Escudero, matapos talunin si Sotto na tatayo naman bilang senate minority leader habang senate majority leader si Senador Joel Villanueva.

Wala ring nabago sa liderato ng Kamara matapos mailuklok muli si Speaker Martin Romualdez sa botong 269.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.