MAGBIBITIW bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson matapos ipahayag ng ilang kasamahan sa Senado ang kanilang pag-aalinlangan sa isinasagawang imbestigasyon hinggil sa mga Flood Control Scandal.
Ayon sa senador, dahil lahat ng chairpersons ng Senate Committees ay inihalal ng mga kasamahan sa Senado, siya ay naninilbihan sa Pleasure ng kaniyang mga kapwa senador partikular ang miyembro ng Majority.
At kung marami sa mga senador ang nagpapahayag ng pagkadismaya sa kaniyang pamumuno sa Komite tama lamang na magbitiw siya sa pwesto.
Bagaman magbibitiw bilang chairman ng Komite, sinabi ni Lacson hindi mapipigil ang kanyang patuloy na laban kontra katiwalian.
Siniguro ni Lacson na patuloy ang laban niya sa Corrupt at bulok na sistema at pag-abuso sa Public Funds.
Binatikos naman ni Lacson ang mga “Fake News” na ipinakakalat ng ilang grupo — kabilang ang akusasyong pinupuntirya niya ang ilang kapwa senador habang umano’y pinoprotektahan naman ang mga miyembro ng kamara kabilang sina Dating Speaker Martin Romualdez at Dating Rep. Elizaldy Co.