PINAGTIBAY ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang kanyang matibay na suporta para sa Sustainable Agriculture at Farmer Empowerment.
Sa pamamagitan ito ng Sustainable Chicken Egg Layer Production Seminar na ginanap sa Tri-District Urban Demo Farm sa Barangay Tabawan.
ALSO READ:
50 million pesos na DOST hub at training center, itatayo sa Leyte
DOLE, naglabas ng 19 million pesos na settlement relief sa mahigit 1,000 manggagawa sa Eastern Visayas
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Ang seminar na inorganisa sa ilalim ng Livestock Program ng City Veterinary Office ay dinaluhan ng nasa tatlumpung magsasaka mula sa mga Barangay Alibaba at Sinantan.
Tumanggap ang mga participant ng Practical Training sa Poultry Management, Biosecurity at Egg Layer Production na idinisenyo para palakasin ang Local Livelihoods at pagtibayin ang Food Security Goals ng Calbayog.
