HANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa epekto ng masamang panahon sa Eastern Visayas sa pamamagitan ng pag-preposition sa 152,611 Family Food Packs (FFPs).
Sinabi ni DSWD Eastern Visayas Regional Information Officer Jonalyndie Chua na pinalalakas nila ang kanilang stocks bago ang pagtama ng tag-ulan.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Tiniyak din ni Chua na laging handang tumugon ang DSWD at binabantayan nila ang sitwasyon, at nakikipag-ugnayan sa mga apektadong Local Government Units.
Ang stock ng Food Supplies at Non-Food Items na nagkakahalaga ng 141.17 million pesos ay magbibigay ng katiyakan sa mas mabilis na paghahatid ng Relief Good, sa sandaling tumama ang matinding pagbaha at iba pang kalamidad.
Naka-imbak ang FFPs sa mga warehouse sa mga bayan ng Allen at Biri sa Northern Samar; Jipapad, Taft, at Guiuan sa Eastern Samar; DSWD Regional Resource Operations Center (RROC) sa Palo, Leyte; at Sogod sa Southern Leyte.
Ang iba pang stockpiles ay nasa Almagro at Santo Niño sa Samar, at Naval, Maripipi at Kawayan sa Biliran Province.
