4 July 2024
Calbayog City
Local

Sekyu kumuha ng Police Clearance, dinakip sa Calbayog City

sekyu

DINAKIP ng Calbayog City Police ang wanted person na may umiiral na warrant of arrest sanhi ng paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000, araw ng Biyernes September 8, 2023. 

Ayon sa Calbayog CPS, kinasuhan ang 43 anyos na lalaki na nakilala lamang sa pangalang “Mon”, binata, security guard, residente ng P-4, Brgy. Burabod, Sta Margarita, Samar. 

Personal na nagpakita sa istasyon upang kunin ang National Police Clearance na nagresulta sa kanyang agarang pagkaka-aresto matapos maberipika sa pamamagitan ng E-warrant at NPCS verifier na ang nasabing lalaki ay mayroong standing Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Maria Ella Cecilla Dimaandal Dumalao- Escalante–Presiding Judge, Metropolitan Trial Court, National Capital Region, Branch 36, Quezon City na may petsang Enero 25, 2021.

P30,000 ang itinakdang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng binata. 

Ang akusado ay pansamantalang nakakulong ngayon sa pasilidad ng pagsisiyasat ng Calbayog CPS bago i-turn-over sa korte ng pinagmulan. 

Hinihikayat ni Pltcol. Joy G. Leanza, Officer In-Charge ng Calbayog CPS, ang komunidad na suportahan ang Calbayog City Police sa pagsasagawa ng mga operasyon ng pulisya para sa pagpapanatili ng Kapayapaan at Kaayusan sa Lungsod. 

miriam timan
Currently the President of Kabalikat Civicom 427, Calbayog Chapter. She used to be a volunteer of Eagle News Network based in Metro Manila and is now the Correspondent-at-large of Infinite Radio

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *