NAGPATAWAG ng pulong si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy para sa uniformed personnel, kabilang ang 43rd Infantry Battalion ng AFP, PNP Calbayog, 1st Samar Provincial Mobile Force Company (SPMFC), at Bureau of Fire Protection (BFP) Calbayog.
Ito ay para talakayin at i-coordinate ang paghahanda para sa pagdating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kaugnay ng presidential assistance to farmers, fisherfolk, and families, sa huwebes, July 4.
Tumutok ang pulong sa security arrangements, road blocking, at pagtatalaga ng parking areas upang matiyak ang ligtas at organisadong event.