10 June 2025
Calbayog City
National

Sea Concert, isasagawa ng Atin Ito Coalition sa West Philippine Sea sa susunod na linggo

ILULUNSAD ng Atin Ito Coalition ang kanilang ikatlong Civilian Mission sa West Philippine Sea simula sa May 26 hanggang 30.

Inanunsyo ito nina Coalition Convenors Ed Dela Torre at Rafaela David, kasabay ng pagsasabing ang misyon ay kapapalooban ng concert, tampok ang mga kilalang Filipino at international artists.

Ayon kay David, magkakaroon ng Sunset Music Event sa Jump-Off Point sa El Nido, Palawan; Dialogue Session and Cultural Exchanges; at Concert Performance sa Exclusive Economic Zone malapit sa Pag-asa Island.

Inihayag naman ni Dela Torre na sa pamamagitan ng Sea Concert ay magsasama-sama ang mga artists, musicians, mga mangingisda at Civil Society Leaders mula sa Pilipinas at iba pang mga kalapit na bansa, para isulong ang kapayapaan, dayalogo, at cultural exchange.

Idinagdag ni David na maglalayag sila sa pamamagitan ng mga awitin, nang walang taglay na poot, para sa minimithing pagkakaisa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).