PUMIRMA ng kasunduan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang Philippine Postal Corporation (PHLPOST) upang masimulan na ang Restoration at Rehabilitation ng makasaysayang Manila Central Post Office Building, na nasunog noong May 2023.
Nilagdaan nina Public Works Secretary Vince Dizon at PHLPOST Ceo Maximo Sta. Maria III ang Memorandum of Agreement upang maipatupad ng DPWH ang Restoration at Retrofitting ng natupok na gusali.
Sinabi ni Dizon na isasagawa ang rehabilitasyon ng Manila Post Office Building sa pamamagitan ng Phases.
Ang Phase 1 aniya ay kinapapalooban ng Restoration ng Facade ng Building at Lobby na target makumpleto sa unang bahagi ng susunod na taon para sa Hosting ng Pilipinas sa ASEAN Summit.
Idinagdag ng kalihim na mahigpit na makikipag-ugnayan ang DPWH sa National Historical Commission of the Philippines upang matiyak na mape-preserba ang Historical Value ng Building habang sumasailalim sa Restoration.




