TINAYA sa 300 hanggang 350 shooters ang inaasahang lalahok sa 46th Southeast Asian Shooting Association Championships simula sa Nov. 24 hanggang Dec. 14.
Itatampok sa naturang torneyo ang practical shooting, sporting clays, bench rest, at olympic shotgun, kabilang ang trap at skeet shooting.
Ayon kay Philippine National Shooting Association (PNSA) Secretary-General Irene Garcia, ito ang unang beses na magho-host sila ng pinakamalaking multi-shooting event sa bansa.
Isasagawa ang tournament sa Magnus-Frontsight Firing Range sa Lipa City sa Batangas; Marine Corps Training Center sa Taguig City; at NCSAP Firing Range sa Laperal Farm sa Lipa, Batangas.