INAMIN ni Kathryn Bernardo na wala siyang pinagsisisihan matapos mauwi sa hiwalayan ang labing isang taong relasyon nila ng ex-boyfriend na si Daniel Padilla.
Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda,” tinanong si Kathryn kung ano ang maipapayo niya sa kanyang younger self para hindi maranasan ang sakit nang maghiwalay sila ni Daniel.
ALSO READ:
Rob Deniel, magkakaroon ng solo concert sa Araneta Coliseum sa Pebrero
K-Pop Group na TWICE, nag-donate ng 7.6 million pesos para sa mga biktima ng sunog sa Hong Kong
VIVAMAX actress, ibinulgar ang indecent proposal mula sa mayor at senador
Paolo Contis, nagpasalamat kina Lian Paz at John Cabahug sa pagpapalaki ng maayos sa kanyang mga anak
Sumagot ang aktres ng “wala” at ayaw niyang pangunahan ang mangyayari dahil nais niyang maranasan ang lahat ng saya at sakit ng pakikipag-relasyon.
Idinagdag pa ni Kathryn na kung ano ang nakikita ng mga tao sa kanya ngayon, malaking bahagi nito ang pinagdaanan niyang labing isang taon, kasama si Daniel.
Nov. 30 ng nakaraang taon nang inanunsyo ng Kathniel ang kanilang breakup.
