Isang school principal sa Quezon City ang nahaharap ngayon sa reklamo dahil sa umano ay pangmomolestya sa kaniyang mga menor de edad na estudyante.
Sa inilabas na pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, mariin nitong kinondena ang insidente.
ALSO READ:
Influenza-like Illnesses sa Quezon City, tumaas ng mahigit 76%
Diocese sa Metro Manila, kalapit na lalawigan pinaghahandaan ang “Big One”
Construction worker, patay; 3 iba pa, nasugatan sa pagbagsak ng Elevator Core Wall sa BGC sa Taguig
Mall Hours na 11 A.M. To 11 P.M., ipatutupad sa Metro Manila simula sa Nov. 17
Tiniyak ni Belmonte ang masusing imbestigasyon sa kaso.
Handa rin aniya ang QC LGU na magpaabot ng tulong legal sa mga biktima ng principal.
Nanawagan si Belmonte sa iba pang nabiktima ng suspek na magsalita at lumapit sa mga otoridad.
Paalala ni Belmonte, tungkulin ng mga guro at iba pang opisyal ng paaralan na bantayan, alagaan at tiyakin ang kapakanan at kaligtasan ng mga bata habang sila ay nasa paaralan.