NAGHAIN na si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ng kanyang Certificate Of Candidacy (COC) noong sabado, para sa ikalawa nitong termino.
Suot ang kulay puting damit na sumisimbolo sa katapatan at integridad, sinamahan si Mayor Mon ni incumbent Vice Mayor Rex Daguman na tatakbo ring reelectionist, pati na ang kanilang kumpletong slate para sa city council, na lahat ay kumakandidato sa ilalim ng Nacionalista Party (NP).
ALSO READ:
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Kasama rin ni Mayor Mon ang kanyang misis na si Angeline Llever Uy, mga miyembro ng pamilya, at masugid na mga tagasuporta, nang pangunahan ang kanyang team patungo sa tanggapan ng Comelec.
Bago maghain ng COC, dumalo muna ang grupo at kanilang suppporters ng misa sa City Quadrangle.
