20 May 2025
Calbayog City
Local

Dalawang aktibong miyembro ng NPA, sumuko sa militar sa Eastern Samar

DALAWANG aktibong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa militar sa Eastern Samar.

Nakatanggap ng impormasyon ang 78th Infantry Battalion mula sa isang alyas Apolonio na dating yunit militia member ng npa, na dalawa pang rebelde ang nagtatago sa Barangay Abejao, sa bayan ng Salcedo.

Ayon kay Lt. Col. Joseph  Bugaoan, Commander ng 78th IB, narekober din sa operasyon ang iba’t ibang armas at gamit sa pakikidigma,  gaya ng dalawang M16 rifles, dalawang M14 rifles, isang M1903 caliber .30 springfield rifle, at isang AK-47 rifle.

Ang mga naturang indibidwal ay sangkot sa pakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan  noong July 25, 2024, sa Barangay Osmena, sa General Macarthur, kung saan napaslang  ang kanilang leader  na si Joel Guarino, alyas Duran.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).