8 July 2024
Calbayog City
Metro

Sasakyan ng Kongresista kabilang sa nahuli sa pagdaan sa EDSA bus lane

KABILANG ang sasakyan ng isang Kongresista sa nahuli dahil sa pagdaan sa EDSA bus lane.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dumaan ang sasakyan na may plakang numero 8 sa EDSA bus lane, kahapon ng umaga.

Hindi naman binanggit ng MMDA kung sino ang kongresistang may-ari ng sasakyan lalo at hindi ito lulan ng mangyari ang paglabag.

Tanging ang driver lamang ng Kongresista ang nasa sasakyan na nagdahilan na siya ay nagmamadali kaya napasok siya sa EDSA bus lane.

Hindi naman pinakinggan ng MMDA ang katwiran ng driver at inisyuhan pa din ito ng violation ticket.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *