NASUNGKIT ng San Miguel Beer ang kanilang unang panalo sa PBA Commissioner’s Cup laban sa Meralco, sa score na 93-83, sa Araneta Coliseum.
Ito ang unang panalo ng Beermen makaraang matalo sa NLEX sa overtime sa kanilang first assignment.
Sinabi ni San Miguel Coach Jorge Gallent na mas oriented na ngayon ang kanilang import kumpara noong first game.
Naglaro naman ang Meralco ng kulang sa manpower, makaraang mabangko si Allein Maliksi makaraang mabasag ang ilong nito.