Nagbayad ang San Miguel-led consortium na siya nang nag-o-operate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ng 30 billion pesos sa pamahalaan , ayon sa Department of Finance.
Sinabi ng DOF na ang remittance mula sa Manila International Airport Authority na na-clear sa Bureau of Treasury noong Sept. 16, ay kasunod ng turnover ng operations at maintenance ng NAIA mula sa MIAA patungong New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) noong Sept. 14.
Dairy output ng bansa, pumalo sa record-high na 43 million liters noong 2025
Hog raisers, hinimok ang pamahalaan na itaas ang taripa sa baboy
Paglalagay ng mas matibay na kisame sa airport sa Bicol, dapat matapos hanggang Marso – DOTr
Ekonomiya ng Pilipinas, muling kinapos sa target; bumagal sa 4.4% noong 2025
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, hindi lamang pagagandahin ang NAIA upang maging world-class airport, kundi magbibigay din ito ng garantiya sa pamahalaan para sa healthy income stream mula sa private sector operator.
Idinagdag ng kalihim na ang 30 billion pesos na remittance ay simula pa lamang at inaasahang kikita pa ang pamahalaan mula sa naturang deal.
