22 November 2024
Calbayog City
Metro

San Juan City, nagkasa ng imbestigasyon bunsod ng pagkamatay ng mga hayop na nasa ilalim ng pangangalaga ng kanilang city pound

NAGLUNSAD ng imbestigasyon ang San Juan City Government hinggil sa umano’y pagpapabaya sa mga hayop sa kanilang city pound sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Carina.

Sa statement, tiniyak ng San Juan Government ang kanilang commitment na matukoy ang mga nagpabaya sa kanilang tungkulin upang managot sa batas.

Ginarantiyahan ng lokal na pamahalaan na magiging mabilis, komprehensibo, at transparent ang kanilang imbestigasyon, at hindi nila kukunstintihn ang anumang pagtatangka na pigilan ang paglabas ng katotohanan o takasan ang responsibilidad.

Sa facebook post noong Sabado, ikinaalarma ng animal welfare group na Strategic Power for Animal Respondents (SPAR) – Philippines ang napaulat na “mistreatment” at “neglect” na naranasan ng mga hayop sa San Juan City pound matapos silang iwan at malunod sa baha.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.