31 May 2025
Calbayog City
Local

Samar, isinailalim sa State of Emergency bunsod ng limitasyon sa San Juanico Bridge

ISINAILALIM ang buong lalawigan ng Samar sa State of Emergency, sa gitna ng limitadong pagdaan ng mga sasakyan sa San Juanico Bridge na nakaaapekto sa daloy ng mga supply mula sa Leyte.

    Inaprubahan kahapon ng sangguniang panlalawigan ang deklarasyon, sa kanilang 150th Regular Session sa Catbalogan City.

    Simula noong May 15 ay nilimitahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggamit sa 53-year-old na mahigit dalawang kilometrong tulay, sa mga sasakyan na may gross weight na tatlong tonelada, bilang bahagi ng dalawang taong rehabilitasyon sa San Juanico Bridge.

    Matapos ang sesyon, sinabi ni Vice Governor Arnold Tan na naapektuhan nito ang pagbiyahe ng petrolyo, medical supplies at essential goods mula sa Tacloban City.

    Idinagdag ni Tan na ang deklarasyon ng State of Emergency ay makatutulong sa kanila para makontrol ang presyo ng mga pangunahing bilihin, gaya ng pagkain at petrolyo.

    ricky

    Editor-in-Chief
    A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).