14 March 2025
Calbayog City
Sports

Sacramento Kings Coach Mike Brown pinagmulta ng NBA ng 50,000 dollars

PINATAWAN ng NBA ng 50,000 dollars na multa ang coach ng Sacramento Kings na si Mike Brown.

Ito’y makaraang batikusin ni Brown ang mga referee sa pinakahuli nilang laro.

Hindi pinalagpas ng NBA ang pagpasok ni Brown sa court habang sinisigawan ang isang referee, dahilan para patalsikin ang coach sa game.

Natalo ang Kings sa Milwaukee Bucks sa overtime sa score na 143-142.

Sa Postgame Press Conference, binanatan muli ni Brown ang mga referee at tinukoy ang aniya’y mga maling tawag ng mga nag-officiate ng game.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *