13 October 2025
Calbayog City
National

Sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 cases sa Asya, kaso ng sakit sa Pilipinas, bumaba, ayon sa DOH

PATULOY na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang mga napaulat na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang bansa sa Asya.

Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, ang kasalukuyang Case Fatality Rate ng COVID-19 sa Pilipinas ay 1.13% o isa kada isangdaan ang namamatay.

Sinabi ni Herbosa na bumaba na ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa mula Enero hanggang Mayo 3, 2025 kung ikukumpara noong 2024.

Sa nasabing petsa, nakapagtala ng 1,774 na COVID-19 cases sa bansa o 87 percent na mas mababa kumpara sa naitalang kaso sa parehong petsa noong 2024.

Sa nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo ay nakapagtala din ng pagbaba ng kaso ng COVID-19.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).