Nagpaabot ng pakikiramay si Samar Governor Sharee Ann Tan sa mga pamilya ng tatlong pulis na nasawi sa pakikipagbakbakan sa mga miyembro ng armadong grupo sa bayan ng Sta. Margarita.
Kinilala ang mga bayaning pulis na sina Master Sergeant Paul Terence Paclibar, Staff Sergeant Christian Tallo, at Corporal Eleazar Estrelles.
Mariin ding kinondena ni Tan ang naturang insidente, kasabay ng paninindigan laban sa karahasan sa lalawigan.
Umaasa ang gobernador na makakamtan ng mga pulis na nagbuwis ng buhay sa ngalan ng pagganap sa tungkulin ang hustisya.
Nananawagan din si Tan sa mga Samarnon ng panalangin para sa kapayapaan at pagkakaisa sa lalawigan.