15 March 2025
Calbayog City
Local

PCG nagkasa ng rescue operations sa mga biktima ng pagbaha sa Catarman, Northern Samar

ILANG lugar sa Northern Samar, kabilang ang kabisera nito na Catarman ang apektado ng malawakang pagbaha bunsod ng walang tigil na buhos ng ulan dulot ng low-pressure area at shear line.

Sa Catarman, nasa 1,263 individuals ang lumikas makaraang malubog sa baha ang kani-kanilang mga tahanan, ayon sa report ng Municipal Information Office.

Sinabi ni Rachael Arnaiz, Municipal Information Chief, na inaasahang tataas pa ang bilang ng mga apektadong pamilya dahil mayroon pang mga na-trap sa kanilang mga tahanan bunsod ng pagtaas ng tubig.

Inamin din ni Arnaiz na pahirapan ang pangangalap ng mga datos dahil putol ang supply ng kuryente simula noong lunes ng gabi.

Inialok naman ni Northern Samar Governor Edwin Ongchuan ang Provincial Gymnasium para sa mga residente ng Catarman na nangangailangan ng masisilungan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Initializing...