INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Defense Secretary Gilbert Teodoro na rebyuhin ang polisiya sa pagdi-discharge ng mga sundalo na naging completely disabled habang nasa kanilang line of duty.
Sinabi ni Pangulong Marcos na maari pa ring maging produktibo ang naapektuhang sundalo at magsibli sa militar sa kabila ng kanilang kondisyon.
Mahigit 32,000 na bagong guro, asahan sa susunod na taon – DepEd
Sandiganbayan 6th Division, kinonsolidate ang mga kaso sa 289-Million Peso Naujan Flood Control Case
Dating DPWH Secretary Rogelio Singson, nagbitiw sa ICI
Dating Senador Bong Revilla at iba pang personalidad, inirekomendang kasuhan ng ICI bunsod ng flood control scandal
Ginawa ng pangulo ang direktiba matapos mabigyan si Army Captain Jerome Jacuba ng Complete Disability Discharge (CDD) at inalis umano mula sa militar dahil hindi na umano makapagsilbi matapos tuluyang mabulag sa pakikipagbakbakan.
Sa Facebook post, inihayag ni Jacuba na nagtapos ang kanyang military service noong Nov. 30.
Aniya, na-discharge siya dahil sa kanyang disability matapos masabugan ng bomba.
Samantala, sa inilabas na video statement kahapon, sinabi ng pangulo na inutusan niya si AFP Chief of Staff Romeo Brawner Jr. na suspindihin ang Disability Discharge ni Jacuba, na hindi aniya makatarungan para sa isang opisyal na nagtaya ng buhay para tuparin ang sinumpaang tungkulin.
Idinagdag ni Pangulong Marcos na dapat nga ay i-promote pa ang army captain sa ranggong major dahil sa ipinamalas nitong katapangan.
