ISA ang patay habang nagpapatuloy sa paghahanap ang rescuers sa anim katao, kabilang ang British tech tycoon na si Mike Lynch, na nawawala matapos tamaan ng tornado at lumubog ang sinasakyang luxury yacht sa Sicily.
Ayon sa Italian Coast Guard, lulan ng yate ang dalawampu’t dalawa katao nang tamaan ng tornado habang naka-angkora, kalahating milya ang layo mula sa Porticello sa Mediterranean Island.
18 anyos na babae na may mental health issues, salarin sa mass shooting sa paaralan sa Canada
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Ang mga nawawala ay kinabibilangan ng apat na briton at dalawang amerikano.
Isa na rito si Lynch, ang founder ng software giant na Autonomy.
Labinlima naman ang nailigtas, kabilang ang asawa ni Lynch na si Angela Bacares, isang bata na in-airlift patungong Children’s Hospital sa Palermo, at walong iba pa na isinugod sa ospital.
Isang katawan naman ang narekober sa hull ng yate, ayon sa Coast Guard.
