Isinuko na ni Philippine Strong Group coach Charles Tiu ang posibilidad na makasama sa koponan si Mikey Williams para sa lalahukang Dubai International Basketball Tournament.
Bagaman inamin ni Tiu na mayroong usapan sa pagitan ng kanyang kampo at sa side ni Williams, hindi na aniya matutuloy ang kanilang plano.
Sinabi ni Tiu na may kailangan pang ayusin si Williams sa TNT at sinusubukan pa nitong kumuha ng clearance.
Ipinaliwanag ng Strong Group coach na mas mainam na maglaro ang koponan na walang iniisip na problema at mas mahalaga aniya ang PBA career ni Williams kaya nagpasya ang magkabilang panig na mag move on nalang.