APAT na Cabinet Ministers sa Japan ang nagbitiw sa puwesto bunsod ng fundraising scandal na kinasasangkutan ng pinaka- makapangyarihang paksyon ng ruling party.
Mahigit 500 Milion Yen ang umano’y na natapyas na pondo sa loob ng limang taon hanggang noong 2022.
Panibagong dagok ito sa unpopular government ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na ang aprroval rating ay patuloy sa pagsadsad.