NAGHAHANDA na ang aktor na si Zanjoe Marudo na maging ama at puspusan na ang kanyang pagpa-practice sa pagkarga ng baby, dahil malapit nang manganak ang kanyang misis na si Ria Atayde.
Sa kanyang Instagram story, ipinost ni Zanjoe ang kanyang video habang nasa gym pero hawak nito ang dumbbell na parang sanggol na pinatutulog sa kanyang bisig.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Nakalagay sa caption ang mga katagang “conditioning to be zaddy.”
Sa hiwalay na Instagram post, ibinahagi naman ng biyenan nito na si Sylvia Sanchez, ang video ni Zanjoe na may kargang pusa, at sinabing talagang ready na sa kanyang daddy duties ang aktor.
