PUMAYAG si Russian President Vladimir Putin na pansamantalang itigil ang pag-atake sa Ukrainian Energy Facilities.
Gayunman, tumanggi itong i-endorso ang full 30-day ceasefire na hinihirit ni US President Donald Trump na unang hakbang para sa permanent peace deal.
ALSO READ:
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Inihayag ng White House na agad sisimulan ang negosasyon sa maritime ceasefire sa Black Sea, pati na ang mas kumpletong ceasefire at permanent peace deal, kasunod ng mahabang pag-uusap sa telepono sa pagitan nina Trump at Putin.
Hindi pa malinaw kung kasama ang Ukraine sa negosasyon, kung saan si US Special Envoy to the Middle East Steve Witkoff ang kakatawan kay Trump, sa Jeddah, Saudi Arabia sa Linggo.
