2 July 2024
Calbayog City
Sports

Russian Figure Skater Kamila Valieva isinisi sa kinaing dessert na gawa ng kanyang lolo ang dahilan ng positive Doping Test

ISINISI ng na-ban na Russian Figure Skater na si Kamila Valieva ang kanyang positive doping test sa kinaing strawberry dessert na inihanda ng kanyang lolo.

Ayon sa Court of Arbitration for Sport (CAS), ginamit umano ng lolo ang chopping board kung saan nito dinurog ang kanyang medication pills. 

Inilabas ng CAS ang kanilang arbitral award, pati na ang dahilan ng apat na taong doping ban na ipinataw kay Valieva noong enero.

Guilty ang hatol ng pinakamataas na korte sa sport kay Valieva sa paglabag sa anti-doping rule, matapos makitaan ng Trimetazidine ang kinolekta sa kanyang sample noong Dec. 2021, sa Russian National Championships.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *