NANANATILING kritikal ang kondisyon ni Pope Francis sa ospital.
Sa update na inilabas ng Holy See Press Office, bagaman kritikal ang kondisyon ng santo papa, hindi naman ito nakaranas ng respiratory crises.
Sinalinan din si Pope Francis ng dalawang units ng concentrated red blood cells noong sabado at tumaas na ang level ng kaniyang hemoglobin.
Naka-oxygen din ang santo papa at nananatiling alerto. (DDC)