HINDI na iaanunsyo ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagsasagawa ng rotational and resupply missions sa West Philippine Sea.
Sa pulong balitaan sa malakanyang, sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na hindi kailangan na magpaalam ng Pilipinas kanino man para tuparin ang tungkulin na depensahan ang West Philippine Sea.
Ayon sa kalihim, ang kapakanan ng mga sundalo na nagbabantay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ang pinakamahalaga sa lahat.
Una nang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na inirekomenda ng National Maritime Council kay Pangulong Marcos na iaanunsyo ang RoRe Missions.