ASAHAN ng mga motorista sa ilang bahagi ng Pasay City at Maynila ang mas mabagal na trapiko tuwing weekends.
Ito’y dahil sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road reblocking works sa kahabaan ng P. Zamora Street sa Pasay City hanggang EDSA Taft Avenue Extension.
Ayon sa report, ilang road sections ang isasara tuwing weekend para bigyang daan ang sampung linggong rehabilitasyon sa nabanggit na kalsada.
Tatagal ang road reblocking hanggang sa March 24.
Pinayuhan naman ng DPWH ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang maiwasang maabala.