NAKUMPLETO na nina RM at V ang kanilang Mandatory Military Service.
Sa kanilang paglabas, kahapon, binati ng dalawang BTS members ang Korean media sa labas ng Training Center, batay sa live stream video ng Korean Now, na Official Youtube Channel ng Yonhap News Agency.
Sina RM at V ay nagpa-enlist noong December 2023 at habang nasa military ay nakapag-release sila ng mga kanta.
Naglabas si RM ng album na “Right Place, Wrong Person” noong 2024 at na-feature sa “Stop The Rain” ni Tablo noong May.
Kabilang naman sa ni-release na singles ni V ang “Winter Ahead” kasama si Park Hyo Shin at cover ng “White Christmas” kasama si Bing Crosby.