SUPORTADO ng mayorya ng mga Pilipino ang mga hakbang ng pamahalaan na protektahan at igiit ang Maritime Rights ng bansa sa West Philippine Sea, ayon sa non-commissioned survey ng Octa Research.
Sa Nov. 10-16, 2024 Tugon ng Masa Nationwide Survey na nilahukan ng 1,200 adult respondents, 84 percent ang nagpahayag ng suporta sa mga hakbangin ng pamahalaan.
ALSO READ:
Goitia dinepensahan ang Unang Ginang: Ang Integridad ay Hindi Dapat Hinuhusgahan Batay sa Tsismis
DPWH Office sa Quezon City, nasunog! Insidente, pinasisilip sa NBI
Klase sa mga pampublikong paaralan, sinuspinde ng DepEd mula Oct. 27 hanggang 30
Tarlac congressman, asawang vice mayor at DPWH engineer, sinampahan ng Plunder at Graft Complaints sa Ombudsman
Samantala, mas marami ang mga Pinoy na sumusuporta sa mga hakbangin ng gobyerno, mula sa rural areas na may 86 percent kumpara sa mga nasa urban areas na may 81 percent.
Lumitaw din sa naturang survey na 91 percent ng mga Pilipino ang pamilyar sa territorial dispute sa West Philippine Sea.