SINAGOT ni Kris Bernal ang mga akusasyon na ginagaya niya si Heart Evangelista.
Sa latest episode ng “Your Honor,” sinabi ni Kris na hindi niya alam kung saan nanggaling ang naturang paratang.
ALSO READ:
Nagtataka ang aktres dahil hindi niya naiintindihan kung saan niya ginagaya si Heart, bagaman idol naman talaga niya ito.
Idinagdag ni Kris na kung ginagaya niya si Heart, sana ay mayroon din siyang mga Bulgari at Birkin, pero wala naman aniya siyang mga ganon.
Nilinaw din ni Kris na kailanman ay hindi siya nainggit kapag ipinakikita ni Heart ang mga Luxury Items nito, at sa halip ay inspirado siya na magtrabahong mabuti upang magkaroon din siya ng magagandang bagay.