NAGLABAS ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 24.94 Million Pesos na halaga ng tulong sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng Bagyong Krsitine sa Eastern Visayas.
Sa pinakahuling report ng DSWD Region 8, saklaw ng naturang halaga ang 32,296 Family Food Packs at 842 non-food items na ipinamahagi sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.
ALSO READ:
Mahigit 900 katao, nasugatan dahil sa aksidente sa kalsada sa Region 8 sa unang 2 buwan ng taon
DPWH, humahanap ng pondo para sa ‘Grand Canal’ sa Tacloban matapos hindi paglaanan ngayong 2026
Pamamaril sa DPWH engineer ng aktibong sundalo sa Northern Samar, kinundena ng Philippine Army
Provincial Government ng Samar, kinilala ang lakas, pamumuno, at kontribusyon ng kababaihan ngayong Women’s Month
Sinabi ni DSWD-8 Information Officer Joshua Kempis na ang ni-release na assistance ay pauna lamang dahil ongoing pa ang assessment, kasunod ng pananalasa ng bagyo.
Inihayag ng DSWD na mayroong 116.11 million pesos na relief sources para sa additional request mula sa mga apektadong Local Government Units.
