SISIMULAN ng Philippine Sports official ang operational testing ng bagong renovate na courts sa Rizal Memorial Tennis Center ngayong Lunes, dalawang Linggo bago ang inaugural staging ng Philippine Women’s Open.
Sa loob ng tatlong araw ay maghaharap ang top female players ng bansa para sa National Ranking Points at sa inaasam na Wildcard Entry sa Maiden WTA 125 event sa bansa.
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Alex Eala, aabante sa ASB Classic Quarterfinals matapos patalsikin ang 1 pang Croatian ace
Ayon kay Dyan Castillejo, Philippine Tennis Association Board Member at PWO Co-Tournament Director, ang gaganaping matches ay hindi lamang susubok sa pasilidad kundi magsisilbi ring Qualifying event para sa local players na target sumabak sa Philippine Women’s Open.
Ang top two players ng Pilipinas na sina Alex Eala at Rising Star Tennielle Madis ng M’Lang, Cotabato, ay kapwa binigyan ng Wildcards subalit hindi makapaglalaro sa Playoffs.
