UMABOT sa 2.28 million metric tons ng bigas ang inangkat ng Pilipinas, as of June 20, ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI).
Ang inimport na bigas ay nasa 20 percent ng rice requirement ng bansa, sa gitna ng kakapusan sa domestic production, at para mapababa rin ang mataas na presyo nito.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Sinabi ng BPI na nananatili ang Vietnam bilang top supplier ng bigas, kung saan nanggaling ang 73.2 percent ng lahat ng imports simula ng mag-umpisa ang taon.
Sumunod naman sa may pinakamaraming isinuplay ang Thailand na nasa 15.3% at Pakistan na may 6.6 percent.