INAASAHANG bababa ang retail prices ng bigas ngayong Agosto bunsod ng pinagsamang mga epekto at pagtapyas ng taripa sa imported rice, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Sinabi ni PSA Chief Claire Dennis Mapa na epektibo na noong Hulyo ang pagbaba ng tariff rates, kaya posibleng maramdaman ang pagbaba ng presyo ng bigas ngayong buwan.
ALSO READ:
Death toll sa lumubog na MV Kerstin 3 umakyat na sa 57
Commodore Jay Tarriela, hindi aawatin ng Malakanyang sa mga pahayag tungkol sa West PH Sea
Trimester system sa mga paaralan, dapat pag-aralan muna – Sen. Bam Aquino
Human Rights Group humirit na ng arrest warrant laban kina Dela Rosa at Go; sitwasyon ng 2 senador, tatalakayin sa emergency caucus ng Senado
Una nang inihayag ng PSA na ang pagbabawas ng taripa sa imported rice ay maaring magpababa sa retail price ng anim hanggang pitong piso kada kilo.
Gayunman, inihayag ni Mapa na ang tinapyas na presyo na tinaya noong Hulyo ay hindi naramdaman, subalit bumagal ang rice inflation sa 20.9% noong nakaraang buwan mula sa 22.5% noong Hunyo.
