PINANGALANAN na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang third and final member ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Sa Press Conference sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos, na si Retired Justice Andres Reyes Jr. ang tatayong chairman ng ICI.
Layunin ng ICI na imbestigahan ang korupsyon sa mga Infrastructure Projects sa nakalipas na 10 taon.
Una nang inanunsyo ng Malakanyang na miyembro ng ICI sina Dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio “Babes” Singson, at Rossana Fajardo, country managing partner ng SGV & Co.




