MAY dalawang konklusyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa resulta ng katatapos lamang na eleksyon.
Una aniya ay nagsawa na ang mga Pilipino sa politika, na ang ibig sabihin ay taumbayan naman ang asikasuhin ng mga elected official.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sinabi ng pangulo na ang ikalawa ay dismayado ang mga tao sa serbisyo ng gobyerno.
Aniya, hindi nararamdaman at masyadong mabagal ang galaw ng pagbuo ng mga proyekto.
Nitong weekend ay pinag-isipan ni Pangulong Marcos ang resulta ng eleksyon, at inaming umasa siya ng mas magandang resulta.
Sa labindalawang bagong halal na senador, anim ang inendorso ni Marcos sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
Kinabibilangan ito nina senators-elect Erwin Tulfo, Panfilo Lacson, Tito Sotto, Pia Cayetano, Camille Villar, at Lito Lapid.