UMABOT sa mahigit 110 billion dollars ang reserbang dolyar ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Disyembre, lagpas sa estimate ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Batay sa preliminary data ng Central Bank, naitala sa 110.873 billion dollars ang Gross International Reserves (GIR) ng bansa hanggang katapusan ng Disyembre.
Mas mababa ito ng 0.34% kumpara sa 111.254 billion dollars na naitala noong Nov. 2025.
Gayunman, mas mataas ito ng 4.34% kumpara sa 106.257 billion dollars na Foreign Reserves na naitala noong 2024 at lagpas sa full-year projection ng BSP na 109 billion dollars.




