TINIYAK ng COMELEC na tuloy ngayong Lunes ng reprinting ng mga balota para sa 2025 National and Local Elections, matapos ang tatlong linggong delay.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na sumulat sila sa Supreme Court upang ipabatid ang pagpapatuloy ng ballot printing ngayong araw, sa kabila ng mga naka-pending na petisyon sa kataas-taasang hukuman.
Idinagdag ni Garcia na kahit anong mangyari ay kailangan makapag-imprenta na ng balota kahit may mga kaso pa sa Korte Suprema.
Anim na milyong balota na nagkakahalaga ng 132 million pesos ang una nang nasayang matapos maglabas ang Supreme Court ng Temporary Restraining Order laban sa disqualification ng ilang kandidato sa May 12 midterm elections.