TUMAAS ang remittances o perang ipinadala ng Overseas Filipinos noong Pebrero, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Naitala ito sa 2.716 billion pesos noong ikalawang buwan na mas mataas ng 2.7 percent kumpara sa 2.646 billion dollars na ipinadala noong February 2024.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Mas mababa naman ito kumpara sa 2.918 billion dollars noong Enero.
Dahil dito, umakyat na sa 5.633 billion dollars ang cash remittances simula Enero hanggang Pebrero, mas mataas ng 2.8 percent mula sa 5.481 billion dollars noong unang dalawang buwan ng 2024.
